Magsibangon Kayo — Magsihayo! Ang tanang ari-aria'y ipagbili ... Tahasan at buong kaloobang ibahagi ito sa mga mahihirap. Pasanin ninyo ang aking krus (ang kanilang krus) at sumunod kayo lagi sa Akin — tungo sa mga dukhâ — sa pagiging dukhâ — sa pakiki-isa sa kanila — pakiki-isa sa akin.
Musmos — maging musmos kayong lagi — payak — mahirap — pawang mga bata.
Ipahayag ninyo ang Mabuting Balita sa pamamagitan ng inyong buhay — nang walang pasubali, walang labis, walang kulang — pakinggan ninyo ang Espiritu — Pangungunahan Niya kayo.
Tupdin ninyo ng buong husay ang maliliit na bagay alang-alang sa pag-ibig sa Akin.
Magmahal — magmahal — magmahal kayo ng di inaalintana ang halaga.
Pumaroon kayo sa pamilihan at manatili sa Akin — dumalangin — mag-ayuno — dumalangin lagi — mag-ayuno.
Manatili kayong di hayag — maging tanglaw kayo para sa landas ng inyong kapwa. Walang takot kayong tumungo sa kalaliman ng puso ng mga tao — ako ay sasainyo tuwina.
Dumalangin kayong lagi. AKO'Y MAGIGING INYONG HIMLAYAN.